Add parallel Print Page Options

20 Alam na ng Diyos ang patungkol sa kaniya noong una pa man, bago pa itinatag ang sanlibutan. Ngunit alang-alang sa inyo, nahayag siya sa mga huling araw na ito. 21 Sa pamamagitan niya, nanampalataya kayo sa Diyos na muling bumuhay sa kaniya mula sa mga patay at nagbigay kaluwalhatian sa kaniya. Kaya nga, ang inyong pananampalataya at pag-asa ay mapasa-Diyos.

22 Ngayon ay dinalisay na ninyo ang inyong mga kaluluwa sa pamamagitan ng inyong pagsunod sa katotohanan sa pamamagitan ng Espiritu upang kayo ay magkaroon ng pag-ibig na walang pagkukunwari sa mga kapatid. Kaya nga, mag-ibigan kayo sa isa’t isa nang buong ningas ng may malinis na puso.

Read full chapter